[Pilipino] . [Hapon]




Nakita agad ni Hikoichi ang tindahan ng omanju, isang uri ng kakanin na may palamang minatamis na monggo at ito ay lubhang paborito ni Hikoichi. Dali-daling kumain ng masarap na omanju si Hikoichi at manaka-naka ay dinidilaan niya ang matamis na monggong naiiwan sa kanyang labi. Hindi niya napapansin na nadidilaan din niya ang abo sa paligid ng kanyang bibig. Nang lumabas ang tindero ay nakita nito ang mga labi ni Hikoichi at malakas na napasigaw, Multooo!, Saklolo!, may multong nagnanakaw ng aking mga tinda!
Tumatawang tumakbo si Hikoichi subalit nakikita ng tindero ang kanyang mga labi at ito ay humahangos ding sumunod habang sumisigaw ng saklolo. Napansin ni Hikoichi na dumarami ang mga taong humahabol sa kanya kaya't binilisan niya ang pagtakbo. Hindi nagtagal at pinagpawisan siya at unti-unting nahugas ng pawis ang abo sa kanyang katawan. Patuloy ang paghabol ng mga tao hanggang makarating si Hikoichi sa gilid ng ilog. Nasukol ang pilyong bata at dagling tumalon sa tubig. Nang lumitaw si Hikoichi ay nahugas nang lahat ang abo sa kanyang buong katawan. Nakatitig sa kanya ang mga galit na mata ng mga taong-bayan at dito nagwakas ang kanyang maliligayang araw.
Ang mga sumunod na araw, linggo at buwan ay ginugol niya sa paglilingkod sa mga tindahan sa bayan upang mabayaran ang mga pinsalang naging sanhi ng kanyang kapilyuhan.



前のページ



Copyright 1996 (C)KUMUSTA-MAGAZINE. All rigths reserved.
Send suggestions/comments to kumusta@jp.interramp.com