[Pilipino].[Hapon]
TITLE




Isinaayos ni Gary ang awiting Babalik Ka Rin para sa kanyang mga kababayan sa Japan at iba pang bansa. Awiting nagpapaaalala sa bayang pinanggalingan na sinaliwan ng mga tunog ng katutubong instrumento.
"No matter where you are at this moment of time, in Saudi, in Japan, or in Hongkong...someday you'll return, someday you'll return..."
Sa ibang pagtatanghal ni Gary ang awiting ito ay sinasaliwan ng mga mananayaw na nakasuot ng iba't-ibang kasuutang Pilipino na kumakatawan sa libu-libong isla ng Pilipinas. Na doon ay may iba't-ibang wika at mga kaugalian. May malalim na kultura at malawak na kasaysayan.



Bago pa magsimula ang concert ay excited na naghintay ang mga manonood. Standing room ang concert at sabik ang lahat, walang nainip sa paghihintay kay Gary V.


.

Binigyang buhay ang konsierto ng mga awitin ni Gary kasama ang anim na Manoeuvre Dancers at ang isa pang mahusay umawit at magaling mangiliti sa mga manonood na si Nanette Inventor.

.
Tumagal ang concert ni Gary ng halos tatlong oras. Ang ticket ay mabilis na na-"sold out" at dalawang oras pa bago magsimula ang concert ay nakapila na ang kanyang mga tagahanga. Nang malaman ni Gary na marami pang Pinoy at Pinay ang di na nakapasok, sigawan ang lahat ng sabihin niyang, "I will be back again!"

.

.
.
Ang detalye ng interview kay Gary ay mababasa sa October issue, Vol. 13 ng KUMUSTA magazine
.
.
Copyright 1996 (C)KUMUSTA-MAGAZINE. All rigths reserved.
Send suggestions/comments to kumusta@jp.interramp.com