[Pilipino].[Hapon]
TITLE




News Flash Special

Ipinagdiwang ang Mabuhay Philippines `96 - Philippine Food, Art & Culture Week na itinaguyod ng Philippine Embassy sa Tokyo mula Octber 5-13, 1996. Bahagi nito ang concert ni Gary Valenciano na ginanap sa Ebisu Garden Place sa Tokyo noong Oct. 6, 1996.

Pinilahan ng may 2,000 mga Pilipino at Hapon, ang concert ni Gary na ginanap mula alas 4 ng hapon hanggang dapat ay alas 6 lamang, ngunit dahil sa mahigpit na kahilingan ng mga kababayan, ito ay umabot ng hanggang alas 7 y medya ng gabi.

Dinaluhan ng mga OCW, mga estudyante, iba`t-ibang samahan ng mga Pilipino, mga Pilipina at kanilang pamilyang Hapon na nagmula pa sa Tokyo, Chiba, Yokohama, Kanagawa, Nagoya at iba pang lugar, at siyempre naroon din ang Ambassador ng Pilipinas at kanyang Maybahay.

Tunaw ang lahat ng kantahin ni Gary ang "Babalik Ka Rin" para sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo. Sinaliwan ng mga tunog ng katutubong instrumento... tumimo sa puso at nagpatiim sa isipang, Kay ganda ng ating bansa!

Dinagdagan ang saya ng guest performer na si Nanette Inventor, at ng back up dancers ni Gary, ang sikat sa `Pinas na "The Nanoeuvres".

"Hataw" (sayawan) ang lahat ng magsimulang kumanta ang Dai-star (big star). Total performer at multi awardee - producer, arranger, dancer, singer & musician, Gary Valenciano!


gary_01 Inagaw ang atensiyon ni Gary ng mga batang nasa pabalat ng KUMUSTA magazine. Sa loob nito, ano kaya ang nakaakit sa kanya?
gary_027
    1985 unang dumating sa Tokyo si Gary upang lumahok sa Tokyo Music Festival.
    1990 bumalik siya sa Japan upang mag-record ng kanta.
    1991 naging panauhin siyang mang-aawit ng Kouhaku Utagassen.
    1992 ginanap ang una niyang concert dito sa Japan.
Nakita `nyo na bang naka-shades si Gary? gary_044


Kasama si Helen Francisco, ang Filipina DJ ng FM radio station sa Tokyo. gary_38
Gary_logo
Click here to see the concert page


gary_036



Voice Message from Gary.V
gary
19 Sec.
"wav"format file Windows 208KB
"au"format file UNIX 151KB
"au"format file Mac 302KB
.
gary
2 Sec.
"wav"format file Windows 33KB
"au"format file UNIX 24KB
"aiffu"format file Mac 47KB



Copyright 1996 (C)KUMUSTA-MAGAZINE. All rigths reserved.
Send suggestions/comments to kumusta@jp.interramp.com