FREDDIE AGUILAR
"9 years ago, nasunog ang isang eskuwelahan na malapit sa aming lugar sa
New Manila, pagkatapos nito ay naglipana ang mga bata sa kalsada dahil wala
na silang mapasukan, dito ko naisipang magtayo ng isang kindergarten upang
matulungan ang mga batang hindi makapasok sa mamahaling eskuwelahan, sa
atin kasi ay walang public nursery school o kindergarten. Noong una ay sa
bahay namin sila nagka-klase, binigyan ko sila ng isang kuwarto doon.
Tuwang-tuwa siya ng makita ang mga bata at ang eskuwelahan, at
ipinagmamalaki ko sa lahat na iyon ay donasyon ng Hapon.
Ang sitwasyon ng Pilipinas ngayon ay pareho pa rin. Sinasabing ang
ekonomiya ng Pilipinas ay bumubuti, ngunit para kanino? ang mahihirap ay
mahirap pa rin at ang hustisya ay hinahagilap pa rin.
Mga tao at kalikasan ang inspirasyon ko sa paggawa ng musika kaya naririto
ang Ka Freddie's sa Tagaytay. Bakit hindi tayo maging magkaibigan at magkasundo?
Salamat din sa inyong pagdalaw dito sa Ka Freddie's, magandang alaala sa
akin tuwing may dumadalaw ditong mga Hapon."
Pinoy na Pinoy ang loob ng Ka Freddie's at bukod sa pagkanta ni Freddie,
kinagigiliwan rin ng mga panauhin ang mga pagkaing Pilipino, "eastern",
"western", at maging oriental.
Wala na ang dating "Hobit House" ni Freddie sa Ermita at ang bagong Ka
Freddie's na dinarayo ng kanyang mga kaibigan at fans ay tila isang museum.
Naroon ang mga mahal niyang lumang gitara, ang marami niyang trophies at
record awards, at ilang portrait na likha ng mga kaibigan niyang sikat na
pintor.
Hindi lamang sa himig o salita ngunit maging sa gawa ay aktibo itong si
Freddie Aguilar. Mula sa kanyang "Anak Foundation" ay itinatag niya ang
isang paaralan ng mga batang anak ng mahihirap, sa lugar ng mayayaman sa
New Manila, QC.
Ngunit isang araw ay may dumating na isang Hapon sa Hobit House na
kinakantahan ko sa Ermita, sabi niya sa akin, o, Freddie, I made a lot of
money in your country because of my business, what can I do to help your
foundation?
Iniabot niya sa akin ang isang brown envelope, at nang buksan
ko ito pagdating sa bahay, cash pala ang laman na nagkakahalaga ng P40,000.
Dahil sa halagang ito ay napalaki ko ang eskuwelahan ng mga bata.
Matagal
na nawala ang Hapong iyon at nang bumalik siya sa Pilipinas ay inimbita ko
siya sa bahay at ipinakita ang kinapuntahan ng kanyang donasyon.
Ngayon ay mayroon
kaming 300 mga estudyante sa QC at Bulacan, gusto ko ring magtayo dito sa
Tagaytay pero hindi ko pa makakayanan ang gagastusin nito buwan-buwan.
Mayroon nang nag-donate ng building, pinaghahandaan ko na lamang ang mga
kakulangan pa.
Tulad ng mga itinatag kong eskuwelahan ito ay para sa mga
mahihirap.
Dito sa Tagaytay, akala mo ay puro mayayaman ang nakatira, puro
mga turista, ngunit sa kabila ng mga pataniman diyan, nakukublihan ng
malalagong dahon, naroon ang mga mahihirap.
Malaon nang kawikaan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kung hindi natin
sila tutulungan ngayon, anong mangyayari sa ating kinabukasan? Dapat ihanda
nating ang mga kabataan at ito ang isang layunin ng "Anak Foundation".
Dapat pag-isipan rin
natin ito.
Sumusulat ako ng kanta base sa nakikita ko sa
kapaligiran at mula sa mga mungkahi ng mga tao.
Ngayon ay ipino-promote ko
ang awitin kong pinamagatang "Salot", ito ay mensahe sa malalaking
Corporation, sa mayayamang bansa na nagtatangkang lumikha ng mga pag-aaway.
Ako ang Hari at nag-aaway tayo, ngunit ang nagiging biktima ay ang maliliit
at mahihirap na tao.
Kung meron nga lang mga tao sa ibang planeta, pagtatawanan nila tayo sa
nakikita nilang pagsira natin sa inang mundo. Naniniwala akong magkakaisa
ang lahat at matitigil ang awayan, wala nang mang-aapak upang maging no.1.
Hindi totoong kailangan mong apakan ang iba upang manguna ka, ang kailangan
ay pagsisikap at pagtutulungan. Hind baleng matagal ang paghihintay basta't
matamo mo ang iyong mabuting pangarap.
Ipinaabot ko nga pala sa mga tagasubaybay ng Kumusta Magazine sa Japan na
hinahangad ko ang kapayapaan at kaunlaran para sa inyong lahat at nawa'y
makamit ninyo anuman ang inyong maliliit at malalaking pangarap sa buhay.
Ganito kung magsilbi si Ka Freddie, hindi
lamang para sa isa kundi para sa lahat. Ngunit ang lahat ay iisa kung
ituring ni Ka Freddie.
Sa kanyang awiting pinamagatang "Dugo" ay
ipinaliliwanag niya ang pagkakaisa ng lahat.
"Kahit Japanese ka o Amerikano, puti o itim, Muslim o Kristiyano, blonde
man o itim ang buhok mo, iisa lang tayong lahat, kasi kung masusugatan ka,
tulad ng lahat, pula ang dugong dadaloy sa iyo."
Sa pagwawakas ng kanyang pagtatanghal ay nag-iimbita siya ng 2 sa
audience na nais isa-awit ang kanilang istorya. Kakantahin ito ni Freddie
at ibibigay sa iyo ang cassette tape bilang alaala ng iyong pagdalaw.
„KA FREDDIE'S IS OPEN 7DAYS from 7pm | ||
OPEN FOR LUNCH ONLY ON SATURDAYS AND SUNDAYS | ||
„FREDDIE'S PERFORMANCE IN TAGAYTAY: | ||
Friday and Saturday between 10:00--11:30pm | ||
„REGULAR SCHEDULE AT KA FREDDIE'S: | ||
FRIDAY | SATURDAY | SUNDAY |
Watawat Band | Freddie Aguilar | Maribeth Velarde |
Maegan Aguilar | Alvin with the Lynx | Marc Velasco |
Freddie Aguilar | Watawat Band | |
„address: | ||
KA FREDDIE'S SVD Road, San Jose, Tagaytay City, Philippines | ||
(096)413-1993 / 413-1649 |