Ipinagdiwang ang Mabuhay Philippines `96 - Philippine Food, Art & Culture Week na itinaguyod ng Philippine Embassy sa Tokyo mula Octber 5-13, 1996. Bahagi nito ang concert ni Gary Valenciano na ginanap sa Ebisu Garden Place sa Tokyo noong Oct. 6, 1996.
Pinilahan ng may 2,000 mga Pilipino at Hapon, ang concert ni Gary na ginanap mula alas 4 ng hapon hanggang dapat ay alas 6 lamang, ngunit dahil sa mahigpit na kahilingan ng mga kababayan, ito ay umabot ng hanggang alas 7 y medya ng gabi.
Dinaluhan ng mga OCW, mga estudyante, iba`t-ibang samahan ng mga Pilipino, mga Pilipina at kanilang pamilyang Hapon na nagmula pa sa Tokyo, Chiba, Yokohama, Kanagawa, Nagoya at iba pang lugar, at siyempre naroon din ang Ambassador ng Pilipinas at kanyang Maybahay.
Tunaw ang lahat ng kantahin ni Gary ang "Babalik Ka Rin" para sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo. Sinaliwan ng mga tunog ng katutubong instrumento... tumimo sa puso at nagpatiim sa isipang, Kay ganda ng ating bansa!
Dinagdagan ang saya ng guest performer na si Nanette Inventor, at ng back up dancers ni Gary, ang sikat sa `Pinas na "The Nanoeuvres".
"Hataw" (sayawan) ang lahat ng magsimulang kumanta ang Dai-star (big star). Total performer at multi awardee - producer, arranger, dancer, singer & musician, Gary Valenciano!
Inagaw ang atensiyon ni Gary ng mga batang nasa pabalat ng KUMUSTA magazine. Sa loob nito, ano kaya ang nakaakit sa kanya?
|
1990 bumalik siya sa Japan upang mag-record ng kanta. 1991 naging panauhin siyang mang-aawit ng Kouhaku Utagassen. 1992 ginanap ang una niyang concert dito sa Japan. |
Nakita `nyo na bang naka-shades si Gary? |
Kasama si Helen Francisco, ang Filipina DJ ng FM radio station sa Tokyo. | |
Click here to see the concert page | |
|
19 Sec. | "wav"format file | Windows | 208KB |
"au"format file | UNIX | 151KB | |
"au"format file | Mac | 302KB | |
. | |||
2 Sec. | "wav"format file | Windows | 33KB |
"au"format file | UNIX | 24KB | |
"aiffu"format file | Mac | 47KB | |