Subject: WARRANT OF ARREST
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Isang malawakang manhunt ang ilu-lunsad ng National Bureau of Investigation para sa pag-ka-kadakip ni Congressman Romeo Jalosjos. Ito'y batay parin sa utos ng Makati RTC na ma-aresto si Jalosjos sa dalawang count ng statutory rape.Bigo ang mga awtoridad na maaresto agad si Jalosjos. Matapos ipalabas ni judge roberto diokno ang warrant of arrest, agad na nagtungo ang mga pulis sa domestic airport nguni't hindi ito inabutan doon. Sumadya sila sa Ritz Towers kung saan may unit si Jalosjos nguni't wala rin doon ang kongresista. Sinabi ni Judge Diokno na may sapat na batayan ang mga salaysay at dokumentong inihain ng biktima ng kongresista sa kasong rape kung kaya't ipinaaaresto si C ong. Jalosjos. Walang piyansa para sa 2-counts of statutory rape at tig-a-40-libong pisong bail naman ang ipinataw sa bawa't isa ng 12 counts of acts of lasciviouness. Nagalak naman ang abogado ng umano'y bikitma ni Jalosjos sa pagkakapalabas ng arrest wa rrant at umapila ito kay Jalosjos na sumuko na.
Samantala, hiniling na rin ng Justice Department na ipalabas ang hold departure order laban sa mambabatas. Dito naman sa selda 14 ng Makati jail makukulong si Jalosjos. Dito inilalagay ang mga may mabigat na kaso. Limang preso ang makakasama rito ng kongr esista. Excited na silang makasama si Jalosjos.
Tiniyak naman ng Makati jail warden hindi bibigyan ng special treatment ang kongresista. Hinikayat naman ng mga mambabatas na sumuko na si Congressman Jalosjos. Anila, ito'y para mawala ang duda na may kinalaman siya sa kasong isinampa laban sa kanya.
Subject: GUINGONA / ANTI-DRUGS GROUP
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Maglalaan ng dagdag na pondo ang Justice Department para sa pagsa-sanay ng tauhang manga-ngasiwa sa unang lethal injection sa pagpasok ng bagong taon. Sinuri na ni Justice Secretary Guingona ang death chamber na ina-asahang makukumpleto sa buwan ng Enero. Kanina, nanumpa rin sa harap ni Guingona ang mga opisyal ng grupo ng preso laban sa ipinag-babawal na gamot.Ang mga opisyal ng concerned inmates' fight against drugs o cifad ay binubuo ng mga personalidad na sangkot sa heinous crimes. Ito'y kinabibilangan nina Calauan Mayor Antonio Sanchez bilang Chairman, ex-Congressman Nicanor De Guzman, chop-chop king Steve Whisenhunt, ex-Mayor Orlando Dulay, Rolito Go at Claudio Teehankee Junior, mga honorary advisers.
Ang movie hearthrob naman na si robin padilla ang tumatayong spokesperson ng "Inmates Crusade Against Drugs o ICAD" sa medium security compound. Mismong si Justice Secretary Teofisto Guingona ang nanguna sa oathtaking ng mga opisyal. Ayon sa kanya, malaya ng magtayo ng organisasyon ang mga Preso lalo na kung ito'y makakabuti sa correctional.
Ipinaliwanag naman ni secretary guingona na ito ay paghahanda lamang sa mga nagtatangkang magpasok ng droga sa loob. Pagkatapos ng "oathtaking", sinayasat naman ni Guingona ang itinatayong death chamber. Ang pagtatayo ng chamber ay inaasahang matatapos sa january 15. Subalit ang mga equipment ay magiging operational lamang pagdating ng Abril. Ngayon pa lamang ay naglaan na ng pondo ang DOJ para sa training ng apat na medtech na magsasagawa ng lethal injection.
Subject: BACK IN MALACANANG / BUSINESS
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Balik-malacanang na ang Pangulong Ramos matapos ang matagumpay na operasyon niya sa Makati Medical Center. Sinabi ng Pangulo na sabik na siyang bumalik sa trabaho sa kabila ng mga tagubilin ng kanyang mga doktor na maghinay-hinay muna.Huling nag-pa-opera si Pangulong Ramos nuong 1950 nang tanggalin ang isa sa kanyang mga kidney. Ngayon, sino ang makapagsasabing sumailalim muli siya sa isang major operation? Halos di mahahalata na apat na araw ang Pangulong na-confine sa ospital.
Ang payo ng mga doktor kay Pangulong Ramos: matulog ng mabuti, kumain ng wasto, at hinay-hinay lang sa trabaho. Ngunit ayon sa Pangulo, dumating si Pangulong Ramos sa Malacanang dakong alas onse na umaga. Ngunit sinunod naman niya ang payo ng mga duktor. Isa lang ang pinulong niya. Si Senate President Ernesto Maceda. Pinag-usapan nila ang nabinbing budget. Pakatapos, umuwi agad ang Pangulo sa arlegui upang magpahinga. Dahil sa balitang ligtas na sa panganib ang Pangulo, umakyat ng halos labing tatlong pun tos ang stockmarket. Maalalang bumagsak ito matapos mabalitang o-operahang ang lider. Ayon sa duktor ng Pangulo, sampung araw na lang, maaari ng maglaro ng "golf" ang Pangulo Ramos.
Subject: NEW SIGNATURE CAMPAIGN
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Sa kabila ng pagka-kasakit ng Pangulo at pagpigil ng korte suprema sa grupong PIRMA, isa pang signature campaign ang ilulunsad naman ng liga ng mga barangay sa Pilipinas para amiendahan ang konstitusyon. Samantala, patuloy na umiinit ang usapin ng 1998 sa senado kung saan na-ngulelat sa survey nito si Senadora Miriam Santiago sa hanay ng mga presidentiable.Sa unang buwan ng susunod na taon ilulunsad ng liga ng mga barangay sa Pilipinas ang signature campaign para baguhin ang konstitusyon. Sinabi ni Caloocan City Councilor Alex David, pambansang Pangulo ng Liga, na gagamitin nilang behikulo ang mahigit sa 41 libong barangay sa buong Pilipinas para sa signature campaign.
Sa panukala ng liga, ang Pangulo, pangawalang Pangulo at mga senador ay may dalawang termino na anim na taon bawat termino. Ang mga kongresista at mga lokal na opisyal at dalawang termino na may tig-apat na taon bawat termino. Tiniyak ni David na hindi ga gamitin ng liga ang pondo ng barangay para sa layuning ito.
Samantala, ayaw ng mga Senador na maging Pangulo si Senadora Miriam Santiago. Ito'y batay sa survey na ginawa ni Senate President Maceda. Nangunguna sa survey si Senador Edgardo Angara, sumunod si Vice President Joseph Estrada, pangatlo magiging kandidato ng Lakas at pang-apat si Senadora Gloria Arroyo. Kulelat sa survey si Miriam Santiago.
Subject: INTSIK / MAKATI
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Kinidnap ng limang armadong lalaki ang asawa at anak ng may-ari ng New Zealand Creamery incorporated sa Bel-air, Makati kaninang tanghali. Ini-ulat ng ilang testigo sa ABS-CBN news na kalalabas lamang nina Mrs. "Amah" sy at ang kanyang anak na si Lucy Ong kauko sa pagawaan ng creamery nang harangin ng mga suspek ang kanilang sasakyan.Isang linggo nang pinagmamanmanan ng mga kidnappers ang galaw ng mga biktima. Ito ang napansin ng mga squatter na nakatira malapit sa Creamery. Kanina, bago mag-tanghali, pumarada ang kulay beige na L-300 van sa kanto ng Camia at Amapola. Nakatakip ang p laka ng van. Bumili pa umano ng softdrinks ang mga suspek.
Wala pang sampung minuto, lumabas ang Pajero sa Creamery sa kahabaan ng camia street lulan si mrs-sy, na mag-o-ochenta anos na at ang kanyang anak na si Lucy Ongkauko. "Amah" ang tawag ng mga trabahador kay Mrs. Sy. Si lucy ay namamahala sa tao sa Creamer y. Nang kumanan sa Amapola ang Pajero, sinundan ito ng mga suspek. Dito ginitgit ng van ang Pajero.
Ayon sa isang source, ransom lamang siguro ang habol ng mga kidnapper dahil wala namang kagalit ang pamilya Sy. Nang sinubukan makunan ng panig ang management ng Creamery, sinabihan kami ng guwardiya na wala silang alam. Ayon sa source, nag-iingat lamang si Mr. Sy dahil nag-aantay siya ng tawag mula sa mga kidnapper. Walang rumespondeng pulis magmula ng dukutin ang mga biktima hanggang sa alas-3 ng hapon. Walang tao din sa Task Force Dragon sa Camp Crame ang PNP unit na dapat ay nagiimbestiga sa mga kidna ppings.
Idinagdag pa ng mga squatter na isang mr-sy ang siyang nagta-tanong sa mga squatter na nakakita sa pagka-kadukot sa kanyang mag-ina.
Subject: CASE CLOSED
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Lutas na ang kasong pagpatay sa aming kasamang newsman na si tata Bert Berbon. Ito ang idineklara ng Task Force Berbon na nakatakda ring magsampa ngayong gabi ng kaukulang kaso laban sa suspek. Ini-uugnay ng mga pulis ang krimen sa problema sa mga jeepney sa Cavite at sa droga.Labing-isang araw mula nang paslangin si tata Bert Berbon pagkatapos ng maraming haka-haka--motibo, at mga mamaring pumatay, isasampa ngayong gabi ang kasong murder laban sa mga suspect . Kilala na ng pulisya ang mga ito nguni't hindi pa ibinunyag ang mga pangalan.
Bukod sa droga, maaring may kinalaman sa tong collection umano ng FEJODAC sa mga colorum jeepneys at si jailguard danilo espineli ang posibleng maging pangunahing suspect. Nagtungo ang ABS-CBN News upang kunan ng pahayag si Warden Rayo Mateo nguni't wala ito sa jail. Isa pang suspect, si Sotero Paredes na isa ring jaiguard ang naka-assigned umano kay rayo. Tumangging magbigay ng pahayag ang pulisya sa pagkakahawig ng mga suspect sa bagong cartographic sketches na kanilang ipinalabas. Ayon sa pulisya, haba ng tumatagal ay lalung lumilinaw ang tunay na nasa likod ng pagpatay kay Bert Berbon.
Subject: NANGUPIT
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Tinatayang dalawamput dalawang kilo ng shabu na nagka-kahalaga ng apatnaput-apat na milyong piso ang sinasabing itinakas ng ilang mga pulis. Ang dalawamput-dalawang kilo ng shabu ay bahagi ng Dalawang-daan-at-limang kilo-ng-shabu-at-heroin na nakumpiska sa mga isinagawang raid sa Tagaytay City at Parañaque, dalawang buwan na ang nakakaraan.Ayon sa isang impormante, unang "kinupitan" ng mga pulis ang nakuhang shabu sa Marta Royale Estate sa Barangay Galicia, Tagaytay City. Ang naturang droga ay nakumpiska mula sa condominium unit ni Wai Kuen Alan Tong, alyas Lucky Lau, isang Hongkong residen t at hinihinalang miyembro ng 14-k drug syndicate.
Subject: ANGELS THERE?
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Ika nga sa ingles, don't judge a book by its cover. Magandang ehemplo dito ang mga kababayan nating Nakakulong sa Quezon City Jail.Hindi nalalayo ang histura ng kulungang ito sa iba. Masikip, mainit, konti ang pagkain at tubig. Katulad pa rin ng ibang preso, tinitiis ng mga taga-Quezon City Jail ang lungkot lalo na ngayong panahon ng pasko. Ngunit hindi sila nag-atubili na ipamahagi sa iba ang diwa ng pasko.
Tatlong taon nang nakakulong si Raymond Maxion rito. Alam niyang mahirap mamuhay sa preso. Ngunit anya mas masuwerte pa rin siya sa ibang nakakulong. Kaya naman hindi niya ipinagmamaramot ang konting naitatago niya para sa mas nangangailangan pa.
Araw-araw, pumupunta ang mga NGO's, lokal na pamahalaan at religious groups upang magbigay ng pagkain, damit at iba pa sa kanila. Kaya naman ngayong panahong ito, sila naman ang mamimigay ng kanilang natatanggap na grasya sa mga kakosa nila sa maynila. Pa tunay lamang na may natatago pa ring kabutihan kahit na sa tingin ng iba ay pinakamasamang tao.
Subject: SARMIENTO RESIGN
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Pinagre-resign ni Attorney Bonifacio Alentajan si PNP Chief Recaredo Sarmiento dahil sa anya'y kamang-mangan nito sa PNP law. Si Alentajan ang siyang kinuhang abugado ng sinibak na Rizal Police director Senior Supt. Eduardo Orpilla. Pinapipigil ni orpilla sa korte ang pag-iisyu ni Sarmiento ng "relief order". Nakalaban na rin noon si Sarmiento si Alentajan nang sibakin niya sa puwesto si bataan police Chief Elnora Bernardino. Nanalo si Bernardino sa kaso at malaki ang pag-asa ni Alentajan na magwawagi rin ang kaso ni Orpilla.
Subject: 28TH ANNIVERSARY
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Sa kanilang ika-dalawampu't walong taong anibersaryo, nananatiling tahimik ang partido komunista ng Pilipinas. Inamin ng partido na na-nga-ilangan silang magpalakas ng puwersa sa kabila ng malaking pag-hihina mula 1988, dulot ng sobrang pag-diin sa armado ng paglalaban at nang pag-hi-hiwalay ng paksyon nina Popoy Lagman at Rolando Kintanar.Ayon kay Satur Ocampo, dating spokesman ng National Democratic Front ng CPP, pag-o-organisa at pag-bawi sa nawalang impluwensya ang binibigyan diin ngayon ng partido. Anila, mas makikita ang impluwensya ng partido at mga alyado nito sa mga nagaganap na ki los protesta. Ngunit hindi pa rin nila bibitiwan ang armadong paglalaban.
Ang pag-bigay diin sa larangan ng ligal na pakikibaka ay hindi rin nangangahulugan na tanggap ng partido ang mga hinihiling ng gubyerno sa nagaganap na peacetalks.
Subject: KUDETA / BUDGET
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Binalewala ngayon ni Senate President Ernesto Maceda ang mga balitang nilu-luto na naman ang isang kudeta sa Senado. Ani Maceda, buo pa raw ang suporta sa kanya ng mayorya sa Senado. Limang senador aniya ang kailangang makumbinse ng minorya upang magtagum pay ito sa kanilang balak. Napa-balitang pinamu-munuan daw ni Senador Ramon Revilla ang kudeta at isang PIRMA na lang daw ang kailangan. Ngunit ito'y itinanggi ni Revilla.Samantala, naniniwala ang senadong may itinatago ang kongreso kaya't ayaw nitong makipag-kasundo sa 1997 National Budget. Ayon kay Senate President Ernesto Maceda, hindi niya maintindihan kung bakit nagpa-pakipot pa rin ang kongreso gayong handa na ang s enadong babaan ang kaltas sa CDF. Posible aniyang may isiningit na naman ang kongreso sa budget na ayaw nitong madiskubre ng Senado.
Subject: TOP GROSSER...
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Tumabo ng mahigit dalawampung milyon at anim na raang libong piso sa takilya ang Metro Manila Film Festival sa unang araw ng pagtatanghal nito. Number one sa box office race ang pantasyang Magic Temple ng Star Cinema, na kumita ng mahigit seven million pe sos. Nag-aagawan naman sa pangalawang pwesto ang Rubberman ng Octoarts at ang "Aringking King" ng comedy king na si Dolphy.Ayon sa mga bookers, otsenta porsyento ng mga moviegoers ay magpapamilya na tumatangkilik sa mga pang general patronage na pelikula. Tinatayang dalawang daang milyong piso ang kikitain ng Filmfest na ilalaan para sa mga proyekto ng Metro Manila Developmen t Authority. Kabilang sa mga paboritong maging Best Actor at Best Actress ay sina Eddie Garcia, Richard Gomez at Aiko Melendez.
Go Back To News Service Index
Subject: OGIE AS RIZAL
Newscast: TVPATROL - Air Date: 12/26/96
Isa pang aktor ang napili para gumanap bilang Jose Rizal. Malayo siya sa popular na panlasa pero tinitiyak ni Ogie Alcasid na mas karapat-dapat siyang gumanap bilang Rizal.Sa huling bilang, mahigit limang aktor na ang gumanap bilang rizal sa pelikula at entablado. Pero ibang Rizal naman ang ipapakita ni ogie sa sarswelang "Sino ka ba Rizal" base sa libretto at musika nina Nonoy Gallardo at Rene Villanueva. Kasalukuyang itinatanghal ito ng libre sa publiko sa Luneta.
Ayon sa mga kritiko, ito ang pinaka-makatotohanang karakterisasyon nina Rizal at ni Josephine Bracken. Layunin din ng dula na ipakita ang pagkatao ni Rizal bilang taong umiibig labas sa mataas niyang image sa mga historical books. Sa puntong ito kinalimut an muna nina Ogie ang pasko. Pero pagkatapos nito, mag-re-rehearse si Ogie para sa susunod niyang project.