[Pilipino].[Hapon]

PAANYAYA PARA SA LAHAT


Ang PRA ay isang proyekto ng pamahalaan na nag-iimbita ng mga dayuhan at mga dating Pilipinong nakakuha na ng foreign citizenship, na manirahan sa Pilipinas. Ayon kay Atty. Nevette Umali-Paco, General manager at executive director ng PRA, ang perang maipapasok nito ay inaasahang makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya at ang mga dayuhang makatutupad sa mga batayan nito ay hinihikayat ding mamuhunan sa Pilipinas. Binigyang diin ni Atty. Paco ang paanyaya lalong higit sa mga Hapon na tulad ng mga Pilipino ay may mahigpit na pagpapahalaga sa sa mga kaibigan at pamilya.
Age/Deposit Requirement

Kung ang aplikante ay:

1) 50 yrs. old o higit pa - kinakailangang deposito: $50,000
2) 35-49 yrs. old - kinakailangang deposito: $75,000
3) Former / Overseas Filipino - Walang kailangang deposito, at application
fee at ibang miscellaneous fee lamang ang babayaran.

Ang mga nabanggit na halaga ay kailangang i-time deposit sa mga awtorisadong bangko sa loob ng 6 na buwan.
Ang mga kuwalipikado sa programang ito ay mabibigyan ng permanent visa at iba pang benepisyo at makakapanirahan sa Pilipinas, sa mga condominium na may magagandang pasilidad tulad ng mga nasa larawan. Para sa mga detalye, magsadya sa PRA office: 2F First bank Bldg., 371 G. Puyat Ave., Makati, Metro Mla. o sa kanilang marketer dito sa Japan: Forest Co. 03-3490-7865, at iba pang condominium na nag-aanyaya sa mga Hapong nais manirahan o mag-invest sa Pilipinas, tulad ng: The Elysium 045-322-7555, Hinggil naman sa visa, maaaring magtanong sa Phil. Embassy.


Copyright 1996 (C)KUMUSTA-MAGAZINE. All rigths reserved.
Send suggestions/comments to kumusta@jp.interramp.com